63

Dec 18, 2017 @ 9:24

PBA Commissioner Chito Narvasa nag-resign

Nagbitiw na si Chito Narvasa bilang commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA) commissioner.

Ito ang inihayag ni PBA chairperson Ricky Vargas nitong Linggo bago pa man magbukas ang 43rd PBA season.

“We reached out to Commissioner Narvasa, and we made amends for the things that needed to be clarified and work out on his personal hurts (in) the process. As a result of that this morning, he submitted his resignation, which was effective today,” sabi Vargas sa isang press conference.

Subalit nilinaw nitong mananatili pa rin sa kanyang puwesto hanggang katapusan ng taong ito.

“The PBA Board, in a resolution passed today, asked Chito Narvasa to stay until the end of the year, December 31st, 2017, to help us during the transition,” sabi pa ni Vargas .

Tatayong officer-in-charge ng board si PBA Media Bureau Chief Willie Marcial.

“We are back together, stronger than ever. So this is your PBA Board of Governors who will serve its term in the 43rd PBA season,” ani Vargas said.

Nagbitiw si Narvasa kasunod nang kawalan ng suporta mula sa board para i-extend ang kanyang termino kasunod nang kontroberisya sa San Miguel-KIA trade nitong nagdaang 2017 PBA Rookie Draft on October 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?