150

Oct 26, 2020 @ 23:06
By

PBA bubble ‘di na kailangang imbestigahan – Palasyo

Sinabi ng Malacañang na tuloy lang ang Philippine Basketball Association (PBA) bubble dahil agad namang naresolba ang COVID-19 situation sa kanilang pasilidad sa Clark, Pampanga.

Sa kanyang press briefing nitong Lunes, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na dapat pang imbestigahan ang PBA bubble sa anumang pagkukulang.

“Hindi na po [kailangan ng imbestigasyon] dahil sila po ay nag-contact tracing at ilan lang naman po sila diyan so madali ang contact tracing,” wika ni Roque.

“This has been addressed by both the PBA and the BCDA. In isolation po ‘yung nag-develop ng coronavirus at saka in isolation din po ‘yung those with close contacts,” dagdag niya.

“The bubble is still intact po. It just so happened. Pero manageable naman po ‘yung situation because of the existing bubble so tuloy pa rin po ‘yan,” sambit pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?