275
SMB Boybits Victoria
Feb 24, 2018 @ 12:51

PBA: Boybits Victoria nakalabas na ng ICU

Patuloy sa paglaban si dating PBA rookie of the year Boybits Victoria sa bihirang sakit na autoimmune disorder.

Sa social media post, sinabi ng kapatid ni Boybits na si Bing Victoria, na tinanggal na sa intensive care unit ang kanyang utol at kasalukuyang nasa pribadong kuwarto na sa San Juan de Dios Hospital.

Dumadanas si Boybits ng Guillain-Barre Syndrome (GBS), isang bihira pero seryosong autoimmune disorder, kung saan inaatake ng immune system ang malulusog na nerve cells sa peripheral nervous system, na nagreresulta ng panghihina at pagiging manhid ng katawan.

“We are happy to tell you all that Boybits is on his way to recovery,” ani Bing.

“He still has a long way to go in terms of rehabilitation but he has shown a lot of progress fighting GBS that we all consider as victory and blessing from God. On behalf of Boybits, our Mom who is the “rock of our family”, and our family, we humbly take this opportunity to thank all of you, our prayer warriors, for your most sincere and unselfish prayers,” sabi pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?