13

Oct 31, 2020 @ 15:08
By

PBA balik aksyon sa Nobyembre

Pagkatapos ng Undas ay magbabalik na ang mga laban sa PBA.

Inanunsyo ng liga na sa November 3 ay sasalang na ulit sa aksyon ang mga manlalaro matapos na irekumenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ihinto muna ang aktibidad sa bubble.

Ngunit may ilang kailangang sundin ang liga alinsunod sa naging rekumendasyon ng IATF.

Ito ay ang pagtapos ng 10-day isolation para sa Blackwater player na naging suspected case ng COVID-19.

Kailangan din isalang sa 14-day quarantine ang sinumang papasok sa bubble na nagpositibo sa coronavirus.

Kailangan din mgtalaga ng independent marshall na magsisiguro ng pagsunod sa health at safety protocol na nilatag ng Department of Interior and Local Government.

“We would like to reiterate that the PBA bubble has not been breached but we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble,” saad ng PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?