13

Sep 17, 2020 @ 17:07
By

PBA balik-aksyon na sa Oktubre

Ayon sa mga opisyal ng liga, as October 9 ay inaasahan na ang muling pagbabalik ng naantalang PBA Philippine Cup, kung saan gagayahin nila ang bubble format ng NBA.

Sa anunsyo ng liga, sila’y magkakaroon ng bubble sa Clark Freeport and Economic Zone sa Pampanga na tatagal ng abot sa dalawang buwan.

Bawat manlalaro at staff ay titira sa iisang hotel kung saan sila lang ang tutuloy at hindi tatanggap ng ibang guest.

10 minuto ang layo ng naturang hotel sa pagdadausan ng mga laro sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga.

Hinihintay na lang PBA ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases para masimulan ang bubble, kung saan target nila na sa September 27 ay makapag-ensayo na ang mga koponan.

Para naman masiguro na walang lalabag sa quarantine protocol, nagtakda ang PBA ng P100,000 multa, hanggang limang laro na suspensyon, at isang buwan na bawas sa sweldo ng mga manlalaro na sasaway sa bubble regulation.

Araw-araw ay magsasagawa ng double header sa PBA bubble, top four naman ang makakakuha ng twice to beat advantage sa quarterfinals.

Ang semifinals ay gagawing best-of-five, habang ang Finals naman ay ang nakagawiang best-of-seven series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?