201

Jan 22, 2020 @ 14:56
By

PBA: Araña in, Exciminiano out

Tahimik ang Rain or Shine sa balitang nagka-injury si Ping Exciminiano nang sumabak sa ligang labas — torneo sa kanto-kanto na malayo sa Philippine Basketball Association.

Inabot ng ruptured Achilles si Exciminiano, pero ‘di makumpirma mula sa team.

Matapos pumutok ang balita, may lumabas na photo sa Facebook page ng Rain or Shine, team lunch nila. Napansin ng marami na naroon si Ryan Araña.

“We are not only just a team, but we are Family!” caption ng Painters.

Guard si Araña, guard din si Exciminiano. Hindi kaya naghahanap ng veteran presence ang RoS?

“Trying out lang,” pahayag ni coach Caloy Garcia, ayon sa ulat ng Spin.ph.

Noong nakaraang season ay nasa NorthPort si Araña, 35, pero hanggang Commissioner’s Cup lang siya naglaro.

12th pick ng Welcoat si Araña mula La Salle noong 2007. Kalaunan, naging Rain or Shine ang prangkisa.

Si Adrian Wong ang point guard na nabingwit ng Painters sa first round ng nakaraang buwang draft. Forwards sina Clint Doliguez at Prince Rivero. Nos. 5-7 ang tatlo sa first round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?