29
pba-allstar
By

PBA All-Stars tickets mabenta

Sharing is caring!

Lumalakas ang bentahan ng tickets para sa PBA All-Star 2018, base sa request ng outlets sa tatlong lugar na pagdarausan ng games sa May 23-27.

Siklab ang midseason classic sa May 23 sa Davao del Sur, mabibili ang tickets sa accountant’s office ng provincial government sa pamamagitan ni May Fernando-Uy (0825533668) at sa budget office kay Dessamie Buat-Sanchez (0928-6713890).

Ticket outlet sa Batangas, ang lugar ng second leg sa May 25 tampok ang iba’t ibang side events, ay sa Batangas City Sports Coliseum.

Sa Toyota Diversion at Toyota Jaro ang retailer sa Iloilo, ang final stop ng annual event sa May 27.

Inisponsoran ng Phoenix Fuels with Phoenix Pulse Technology at suportado ng Peak sports apparel ang 2018 PBA All-Star tampok ang pagsagupa ng Gilas Pilipinas sa tatlong selection teams na kakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?