44

By

PBA All-Star 2019: Belga kakapit sa trono vs Fajardo, Tautuaa

Magiging kakaibang Obstacle Challenge ang handog sa PBA All-Star 2019 sa Calasiao, Pangasinan.

Haharapin ng defending champion na si Rain or Shine big man Beau Belga ang mga kapwa bigatin ding manlalaro sa ibang koponan.

Sasalang sa kauna-unahang pagkakataon si five-time league MVP June Mar Fajardo sa nasabing event na dating nilalahukan ng mga nasa guard position.

Kanila ring makakalaban sina GlobalPort center Moala Tautuaa, Yousef Taha (TnT Katropa), Noy Baclao (Alaska), Justine Chua (Phoenix), Raymar Jose (Blackwater), Prince Caperal (Barangay Ginebra), Brian Faundo (Meralco), Russel Escoto (Columbian Dyip), at Rafi Reavis (Magnolia).

Magaganap ang All-Star mula Marso 29 hanggang 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?