12,383

Feb 23, 2020 @ 17:10
By

Payo ni Regine kay Sarah, Matteo: Sex lang nang sex!

Paano nga ba nagiging strong ang relationship ng mag-asawa?

Kakaiba ang naging sagot ni Regine, na pinayo niya bago pa man magpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ayon sa ‘Asia’s Songbird’, dapat ay mag-sex nang madalas ang couple, at syempre ay kailangan mag-usap.

“Mag-sex lang sila nang mag-sex siguro… in a Christian way, kasama yun! But no, communication talaga is very important. Kasi alam n’yo, magte-10 years na kami ng asawa ko and it doesn’t feel na ten years ko na siyang kasama,” ayon kay Regine.

Sey ni Regine, masaya siya sa piling ng asawa dahil lagi siya nitong ina-update kahit ilang years na silang mag-asawa.

“Magligawan kayo nang magligawan. Ako, yung asawa ko kaya, nililigawan pa rin ako. Magte-text yun sa akin, ‘Hi, can I date you?’ Yung ganu’n, pero kinikilig ka du’n,” pahayag pa ng sikat na singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?