780
leila-de-lima
Jul 24, 2019 @ 20:08
By

Payo ni De Lima kay Duterte: Magpahinga ka na lang

Pinayuhan ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang sinabi nito noon na gusto nang mag-resign dahil pagod na ito.

“Mukhang pagod ka na Ginoong Duterte. Magpahinga ka na lang,” saad ni De Lima sa isang statement.

Dagdag pa niya: “You cannot end your term fighting, if there is no longer any fight left in you.”

Tinawag naman niyang “insufferable” ang ikaapat na State of the Nation Address ng Pangulo.

Kinontra rin ng senadora ang pagbuhay sa death penalty.

Binanatan din nito maging ang kampanya kontra korapsyon ng Pangulo.

Hindi umano dapat nilalaban ang korapsyon sa pamamagitan ng pagrereklamo at pagmamakaawa sa mga plunderer na ihinto ng mga ito ang corruption.

Hindi rin aniya ito mapagtatagumpayan kung palalayain at ibabalik sa politika ang mga plunderer gaya ng mga Arroyo at Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?