79

Oct 19, 2021 @ 19:59
By

Payo ni Bossing Vic kay Oyo: Huwag mo akong gayahin

Hindi raw malilimutan ni Oyo Boy ang payo sa kanya ng daddy na si Vic Sotto noong nagpakasal sila ni Kristine Hermosa.

Ani Oyo, ang pinaka-hindi niya makakalimutan na advice ni Vic ay ang huwag niyang gayahin ang ama.

Para kay Vic ay hindi biro at seryoso ang payo niyang iyon sa anak.

Sabi pa ni Oyo, kahit hindi raw naging forever ang mga magulang nilang sina Vic at actress Dina Bonnevie ay masaya sila.

“We’re happy na ganito ‘yung kinalabasan, maaaring hindi nagkatuluyan ‘yung nanay namin saka si daddy pero ang importante masaya kami ngayon kung nasaan kami,” sambit ni Oyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?