263

Oct 28, 2021 @ 19:34
By

Payo ni BB kina Aljur, Kylie: Huwag maglabasan ng baho

Saludo ang mga netizen sa naging payo ni BB Gandanghari sa kanyang pamangkin na si Kylie Padilla at asawang si Aljur Abrenica.

Sa Instagram post, sinabi ni BB na hindi biro ang paghihiwalay pero aniya, itago na lamang ng mag-asawa ang mga baho ng isa’t isa.

“Ang paghihiwalay is not a joke. It’s not a career move or something to be ‘yung para mapag-usapan ka. Masakit ‘yan,” ani Gandanghari, na kuya ng action star na si Robin Padilla.

“So what I can advise to these two, being younger that you are, eh try to keep your dirty linens in the washroom. I’m sure you know what I mean,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?