13

Jan 11, 2021 @ 15:07
By

Payo ng ina ni Bea Alonzo sa aktres: Maghanap ng ‘di babaero!

Payo ng ina ni Bea Alonzo sa aktres: Maghanap ng ‘di babaero!

Sa recent vlog ni Kapamilya star Bea Alonzo, makikita siya at ang kanyang ina na naglalaro ng jojowain o totropahin challenge.


Nang tanungin naman ito ng kanyang anak tungkol sa kung ano ang hinahanap niyang katangian sa magiging mister ng aktres, mabait at hindi babaero ang kanyang sagot.

“Maging mabait lang, maging totoo at huwag babaero please,” saad niya.

Hiling ng kanyang ina na sana makahanap ng pamilyadong mapapangasawa ang aktres at ang kanyang kapatid.

“[Pangarap ko sa buhay ang] makita ko kayong dalawa [na magkapatid] na maayos na, pamilyado na. Doon, okay na ako. Yun ang pangarap ko, lalo sayo,” saad niya.

Pinayuhan rin niya si Bea na alagaan ang kanyang puso at huwag magmahal nang todo.

“[Ang maipapayo ko sayo] sa love, sana natuto ka na. Sa life, alagaan mo ang sarili mo. Alagaan mo ang puso mo anak. Hinay hinay lang, huwag todo,” aniya.

Kasalukuyang nali-link ang aktres sa Kapamilya actor na si Dominic Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?