305

By

Payatas mabaho! Regine binanatan sa socmed

Umaray ang mga taga-Payatas dahil sa naging komento ni Regine Velasquez tungkol sa isa niyang bag na mas mabaho pa umano sa nasabing lugar.

Sa Youtube video ni Regine na ‘My Bag Collection’, ni-review nito ang isang designer bag na noong makuha niya umano ay mas mabaho pa sa Payatas.

“Ito kasing bag na ‘to mabaho it stinks,” ayon sa ‘Asia’s Songbird’. “It’s mabaho, I remember noong binili ko ‘to mabaho talaga it stinks so much.”

Nabili niya umano ito sa Hong Kong kung saan tingin niya ay likas na mabaho ang leather na ginamit para sa bag.

Nang mag-shoot siya ng advocacy video sa Payatas ay dito niya napagtanto na halos pareho ang amoy ng lugar at ng kanyang bag.

“Kaamoy ng bag ko ‘yung Payatas, nakakatawa ‘yun (laughs)” sey ni Regine.

“Kasi pag nasa Payatas ka na, hindi mo na maamoy ang basura eh kasi kayo pare-pareho na kayo ng amoy doon sa MTV ‘yun.”

Dahil dito ay pinulutan sa social media ang naging comment ni Regine.

Nag-sorry naman ang singer dahil sa pagiging insensitive umano ng kanyang comment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?