104
Abueva gumanti lang kay Rivera
By

Payagan na kaya? Abueva muling lumapit sa PBA

Tatlong buwan na ang nakalilipas matapos suspendihin si Calvin Abueva sa paglalaro sa PBA dahil sa ilang mga paglabag nito sa rules ng liga.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin klaro kung hanggang kailan ang indefinite suspension para kay ‘The Beast’.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, muling dumulog sa kanila si Abueva bago lumipad patungong Macau para sa East Terrific 12 dahil kasali ang koponan ng San Miguel, Blackwater at TNT sa regional club meet.

Ngunit hindi pa nililinaw ng PBA kung mayroon ng nakatakdang araw kung kailan matatapos ang suspensyon ni Abueva.

Sa naging statement ni Marcial, sinabi nito na ili-lift lamang ang suspension kapag nakitaan na ng pagbabago si Abueva at nakapag-sorry na sa mga nagreklamo dito, matatandaan na nabastos ang girlfriend ni Ray Parks Jr at nasaktan si dating TNT import Terrence Jones.

Ngunit matapos ma-suspend ilan pang kontrobersya ang kinabilangan ng manlalaro, isa na rito ang paglantad ng asawa nito na nananakit si Abueva, maging ang paglalaro niya sa Rizal sa ligang labas na mahigpit na pinagbabawal sa mga PBA player.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?