124

Jan 27, 2021 @ 22:15
By

Payabangan lang! Kyla nagbura ng IG, FB account

Inamin ni singer Kyla na nag-shutdown siya ng kanyang Instagram at Facebook account.

Pakiramdam daw niya ay nakakadagdag iyon sa kanyang anxiety.

Madalas daw kasing puro kayabangan lang ang nakikita niya sa mga social media page niya kaya minsan ay hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili niya sa iba.

“I deleted my IG and Fb 3 days ago. I felt like it was adding to my anxiety. It’s nice to post pictures of your achievements and stuff like that- and get recognized for it. But i just feel like everytime i would open it, someone is passively bragging about an accomplishment, travelling at this time when we can’t travel, getting new projects, etc. It’s led me to always compare myself to others. And it’s not good for me,” sey ni Kyla.

Pero hindi niya natagalan ang kanyang social media diet at pagkatapos ng tatlong araw ay ibinalik niya ang mga ito para sa kanyang family.

“Guess i couldn’t last more than a week doing this social media diet. I had to download it again, just to connect with my family.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,