25

Jul 26, 2021 @ 16:35
By

Pawikan nasagip sa Navotas

Na-rescue ang isang pawikan sa Daanghari, Navotas nitong Linggo.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, na-turnover na ang pawikan, na itinuturing na ‘endangered species’, sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Ang mga pawikan ay tinuturing na ‘endangered’ dahil kakaunti na lang ang kanilang populasyon at nasa panganib sila ng extinction o pagkaubos,” paalala ni Tiangco.

“Ang mga ‘endangered species’ ay pinoprotektahan sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?