By

Pautang sa ‘Pinas, itinaas ng ADB

Sharing is caring!

Dinagdagan ng Asian Development Bank (ADB) ang halaga ng maaaring ipautang sa Pilipinas para sa ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na mula sa 34 porsiyentong lending approvals mula 2011 hanggang 2016, ito ay umakyat sa 48 porsiyento hanggang sa susunod na tatlong taon.

Aniya, ibinalita rin sa kanya ni ADB President Takehiko Nakao na may apat silang bagong lending programs para lang sa Pilipinas na nagkakahalaga ng $1.08 bilyon.

Pinasalamatan naman ng kalihim si Nakao sa pagkilala sa pangangailangan ng bansa para mapondohan ang mga priority infra projects ng Department of Transportation at Department of Public Works and Highways.

Nabatid na sa ilalim ng Country-Operations Business Plan ng ADB, may alok silang $3.68 bilyon na Philippine Sovereign Lending Program mula 2018 hanggang 2020. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?