6

Sep 15, 2020 @ 16:13
By

Paunang bayad hirit ng ilang dayuhang pharma company

Binunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihingi na ng advance payment ang ilang dayuhang pharmaceutical company bilang reservation fee sa kanilang matutuklasang bakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi,sinabi ng Pangulo na mas nangingibabaw sa mga kanlurang bansa ang kikitain sa vaccine kaysa ang makapagligtas agad ng buhay dahil hindi pa man natutuklasan ang COVID vaccine ay nanghihingi an kaagad ng paunang bayad.

“Like in other countries, they want cash advance bago tayo deliveran ng vaccine. That’s one thing wrong about the Western countries–its all profit, profit, profit,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na hindi siya baliw para sumunod sa kagustuhan ng mga dayuhang kumpanyang ito na nanghihingi kaagad ng reservation fee gayong wala pa namang nagagawang bakuna panlaban sa COVID-19.

Sa sandali aniyang malaman ng Presidente na nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng mga kumpanyang ito ay mas mabauting umuwi na sila dahil baka masipa lamang niya ang mga ito.

“If the companies are here or representatives, mag-uwi na kayo, pag hindi sipain ko kayo kung makita ko kayo diyan.If I see you somewhere in ghe hotels, I’ll kick your ass. Babastusin ko kayo,” dagdag ng Pangulo.

Dahil dito,sinabi ni Pangulong Duterte na mas priority ng gobyerno ang Russia at China basta masigurong magaling ang kanilang bakuna tulad ng mga kumpanyang nanghihingi kaagad ng reservation fee.

Ang Russia at China ay nagbigay ng commitment na mabibigyan ng bakuna ang Pilipinas sa sandaling matapos ang kanilang ginagawang clinical trials sa tinutuklas na bakuna laban sa COVID-19.(

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?