54

Oct 12, 2021 @ 17:47
By

Paulo pinagtanggol si Jake Cuenca: Hindi rin ako hihinto

Pinagtanggol ni Paulo Avelino ang kaibigang si Jake Cuenca na hinabol ng mga pulis matapos umanong mabangga ang police mobile at hindi huminto kaya binaril ang mga gulong ng sasakyan ng aktor sa Mandaluyong.

Sabi ni Paulo, kung siya raw ay hindi rin siya hihinto kapag pinapuputukan ang kotse niya ng mga nakasibilyang tao.

“I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba? If someone was shooting me it’s either I shoot back or run for my life. Wrong place wrong time,” tweet ni Paulo.

Sinabi rin niya na papunta si Jake ng mga panahon na iyon sa bahay niya para dalawin siya dahil kakagaling lang niya sa COVID-19.

“Nakainom? Maybe. Nakasagasa ba? Nakasakit ng tao? Hindi. Walang malay na nagmamaneho papunta dito sa punyeta kong bahay dahil kaka-recover ko lang sa covid,” saad pa ni Paulo.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?