51

By

Paulo Avelino totodo sa promo ng ‘Larawan’

Sharing is caring!

PINALAD na mapili bilang isa sa 8 official entries ng Metro Manila Film Festival 2017 ang Ang Larawan at maraming natutuwa sa bagay na ‘yon dahil marami na ang nakapanood ng pelikula na nagsasabing maganda ito.

Musical ang Ang Larawan at ang male lead na si Paulo Avelino ay kinailangan pa palang mag-audition para rito. Nang makapasa raw sa audition si Paulo, kinailangan din niyang mag-voice training kay Maestro Ryan Cayabyab ng 6 months and in fairness, gumanda ang boses ng aktor dahil doon.

Nangako nga pala si Paulo sa mga taga-Ang Larawan na kahit Christmas season, willing siyang mag-promote ng kanilang pelikula dahil isang karangalan na mapasama ‘yon sa MMFF 2017.

Nagtapos na nga pala ang The Promise of Forever afternoon series ni Paulo sa Kapamilya Network at ratsada na siya sa taping ng Asintado na bago niyang series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?