83

By

Paulo Avelino, nakipagkulitan sa Twitter

Sharing is caring!

Kasabay ng opening day ng “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino, nakipagkulitan ang Kapamilya actor sa kanyang Twitter followers via #AskGoyo.

May nagtanong kung katulad din daw siya ni Goyo na nakatatanggap ng daan-daang love letters. Sagot ng Urian Best Actor, “Mas madalas hate tweets.”

Tawa kami sa sagot ni Paulo sa tanong kung bakit siya ang napiling gumanap na Goyo, aniya ng aktor, “Hinusayan ko yung audition ko at nag abot ako ng sobre pagkatapos. Uso naman sa panahon ngayon”

Sa tanong kung shy and private type of person din daw ba ang pinakabatang heneral ng Pilipinas, reply ni Pau sa kanyang follower, “Wala pang telepono o social media nung mga panahon na iyon. Maraming sekreto ang maaaring itago.”

Ilan lang ‘yan sa naibatong katanungan sa aktor. Sikapin ninyong i-backread ang tweets ni Paulo via his handle name @mepauloavelino at tiyak na magi-enjoy kayo.

Ang “Goyo: Ang Batang Heneral” ay nagsimulang ipalabas sa mga sinehan sa buong kapuluan at handog ito ng TBA Studios, Artikulo Uno at Globe Studios.

Mula ito sa direksyon ni Jerrold Tarog at bahagi rin ng ensemble cast sina Benjamin Alves, Gwen Zamora, Carlo Aquino, Ahron Villaflor, Epy Quizon, Mon Confiado, Nonie Buencamino, at maraming iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?