35

Jan 11, 2021 @ 20:15
By

Paulo Avelino: Janine Gutierrez bagong Kapamilya

Ipapalabas na ang pelikulang “Ngayon Kaya” na pinagbibidahan ni Kapamilya star Paulo Avelino at Janie Gutierrez.

Ayon sa ulat, dapat Abril pa ng nakaraang taon ang debut ng pelikula ngunit nakansela buhat ng pandemya.

Ayon kay Avelino, target na maipasok ang pelikula sa 2021 Summer MMFF.

Sinabi naman ni Avelino na makakasama niya si Janine Gutierrez na ‘bagong Kapamilya’ sa pelikula.

“It’s with our newest Kapamilya, Janine Gutierrez,” ani Avelino sa isang media conference.

Kamakailan lamang ng mapabalitang umalis na mula kabilang network si Gutierrez.

Wala namang kumpirmasyon mula sa aktres kung totoo ba ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?