71

By

Pauline Mendoza inilantad kung sino ang dream makaeksena

Sharing is caring!

Lumalagari ngayon sa TV guestings ang talented na Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Nang matapos ang teleserye nilang Kambal Karibal nina Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Bianca Umali, tila iniisa-isa ni Pau (nickname ni Pauline) ang shows sa GMA7 network. Sa ngayon kasi ay kaliwa’t kanan ang mga TV guesting ni Pau, kabilang dito ang paglabas niya sa ‘Wish Ko Lang’, ‘Imbestigador’, ‘Maynila’, ‘MARS’, ‘AHA’, ‘Tunay Na Buhay’, at ‘iBilib’.

Bukod sa bagong TV series, wish din ni Pau na makagawa ng pelikula.

Pahayag ng young actress, “Kung mabibigyan po ako ng movie, kahit ano po. Gusto ko kasing makagawa rin ng pelikula, wala pa po kasi akong nagagawa kaya go lang po kung ano man ang ibigay sa aking projects. Kasi, dream ko rin po talaga na magka-movie.”

Nabanggit din ni Pau na dream niyang makatrabaho si Marian Rivera dahil bukod sa idolo niya ang misis ni Dingdong Dantes, balita niya raw ay sobrang bait makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen.
Aminado rin ang 18-year old na young actress na member siya ng samahang NBSB o No Boyfriend Since Birth. Pero mas gusto raw niya talagang sa kanyang career muna siya tumutok.

“Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend mas gusto ko muna po mag focus sa career and studies ko. And if ever po magka-bf ako normal lang po ‘yun kase dadaan din po ako sa stage na ‘yun.

“Hindi naman po mahigpit parents ko about it basta syempre lagi po nila paalala na mag ingat, alagaan ko sarili ko and always have limitations. And lagi po sinasabi sa akin ng dad ko, ‘Always use your head.’ sambit ng Kapuso actress.

Incidentally, this Saturday ay mapapanood si Pau sa ‘Maynila’ sa episode na ‘Millennial Lolas’. Kasamang guest dito ni Pauline sina Perla Bautista, Raquel Monteza, Menggie Cobarrubias,Tommy Peñaflor, at iba pa. Hosted by Rep. Lito Atienza, mapapanood ito this Saturday, September 8, 9:40AM sa GMA7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?