97

Oct 17, 2020 @ 22:22
By

Pauleen, Vic, Tali nagpa-good vibes sa paghataw

Marami ang nakyutan sa pagsasayaw ng mag-asawang Vic at Pauleen Luna-Sotto kasama si baby Tali.

Sa kanyang Instagram post sinabi ni Pauleen na bahagi iyon ng opening number ng “Eat Bulaga”.

“I super love my husband for doing crazy things with me. Shot this “tiktok” for Eat Bulaga’s opening number today!” wika ni Poleng sa caption.

Kabilang sa natuwa sa kanilang video sina KC Concepcion at Shaina Magdayao.

Ilang oras pa lang itong nai-post nitong Sabado ay mahigit 129,000 na hearts na ang natanggap nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?