1,101

Dec 28, 2017 @ 10:24
By

Pauleen nagpasalamat sa stepdaughter niyang si Danica

Thankful si Pauleen Luna-Sotto ang stepdaughter niyang si Danica Sotto-Pingris sa larawang pinoste nito na karga-karga nang celebrity chef ang bunso nitong kapatid na anak ng tatay niyang si Vic at si Pauleen.

Habang karga-karga ni Danica ang baby na si Talitha makikitang akmang hahalikan ito ng kanyang anak ang sanggol.

Ikinatuwa ni Pauleen ang eksenang ito ni Danica at kay Baby Talitha lalo na ang pagbisita nito sa kanilang bahay para lang makita ang bagong sister.

@pauleenlunasotto, “Family is not important, It is everything. Thank you for making time. Thanks for the visit @danica pingris @jeanmarc15”

Unang kinarga ni Danica ang baby sa hospital noong bagu-bagong silang pa lang ito.

Magkasama sina Danica at Pauleen sa birthday celebration ng anak nina Oyo Boy at Kristine na si Ondrea.

Ginanap ang birthday sa café ni Kristine sa may Alabang kung saan makikita sa pinosteng photo sa okasyon ang pagdalo nang iba pa nilang mga kapatid at malalapit na relatives.

Marahil bago o pagkatapos nang birthday celebration dumaan muna sina Danica, ang asawa niyang Marc pati na ang kanilang mga anak sa bahay nina Pauleen at Daddy nyang si Vic para mabisita nila si Talitha.

Dahil dito nagalak ang puso ni Pauleen sa effort na ginawa ni Danica hindi lang para sa kanila ng daddy niya kundi para sa bago nitong kapatid. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?