613

Nov 6, 2017 @ 14:11

Pauleen Luna, nanganak na!

Nanganak na si Marie Pauleen Luna-Sotto.

Ito ang inanunsiyo ng asawa nitong si Vic Sotto sa programang “Eat Bulaga!” nitong Lunes.

Sa biro ipinadaan ni Vic ang anunsiyo.

Sabi niya kay Allan K, “Batiin mo daw si Mrs. Pauleen-Luna Sotto.”

Sagot naman ni Allan K: Ano bang nangyari kay Pauleen, bakit ko babatiin?”

“Bakit, ano bang meron si Pauleen?” tanong pa ni Allan K.

“Anak,” sabi ni Bossing Vic.

“Nanganak na ba?” tanong ulit ni Allan K.

“Oo,” sagot ni Vic.

Nagpasalamat si Bossing sa mga bumati sa magandang balita na kanyang ipinahayag.

Nangako naman ang actor comedienne na hindi ipagdadamot ang mga larawan ng kanilang baby girl at kanila itong ibabahagi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?