268

Oct 28, 2017 @ 10:27

Pauleen Luna, mixed emotions sa nalalapit na panganganak

Ilang linggo na lang at manganganak na si Pauleen Luna-Sotto sa unang baby nila ni Vic Sotto na isang girl.

Ibinalita ito ni Pauleen sa post niya sa kanyang Instagram habang nakaupo siya sa kanilang sofa.

Sabi pa ni Pauleen, mixed emotions siya sa nalalapit niyang panganganak at sa naiisip niyang haharaping “mamahood” at sa panibagong yugto ng kanyang buhay.

@pauleenlunasotto, “Just a few more week to go before I POP, #journeytomamahood #mixedemotions.”

Habang naghihintay sa kanyang panganganak, binalikan muli ni Pauleen ang pagtugtog ng ukulele na sandali niyang isinaisantabi nang ikasal siya at magbuntis.

Naka-post sa kanyang IG ang short video na tumutugtog siya ng ukulele at dito sinabi niyang nagsisimula nang mag-swell ang kanyang mga kamay.

@pauleenlunasotto, “Time to take out the Uke again! Sorry, very very rusty (plus my hands are starting to swell) New Rules #journeytomamahood.” (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?