135

Sep 20, 2021 @ 23:03
By

Pauleen lagpas 2 oras pumila sa Comelec

Kahit bayaw niya si Senate President Tito Sotto, hindi gumamit ng impluwensiya si Pauleen Luna at inenjoy ang mahigit dalawang oras na pagpila sa isa sa mga registration center ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

Ibinahagi niya ito sa IG Stories at sinabing nag-walk in siya para makapagparehistro dahil hindi siya nakakuha ng timeslot sa website.

“I arrived at 7:10 AM and it’s now 9:23. I’m happy to be able to sit down now,” caption ni Pauleen habang nasa labas pa ng mall.

Sa isa pa niyang post ay nakapasok na sa loob ng mall si Pauleen.

“Everything is smooth naman. I’m happy patience lang talaga. But all good,” sambit niya.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?