107

Oct 17, 2017 @ 15:50

Pauleen hirap na sa pagbubuntis

KATATAPOS lang ng pangalawang baby shower kay Pauleen Luna nu’ng nakaraang weekend, meron na namang kasunod na isa pang baby shower para sa kanya sa Huwebes.

Happy naman si Mrs. Sotto dahil ang dami pa niyang friends ang gustong magpa-baby shower sa kanya, kaya gusto naman niyang pagbigyan lahat.

Medyo hirap na lang daw siya ngayon dahil lumalaki na ang tiyan niya at bumibigat na raw. Kaya pinag-iisipan na niyang mag-leave, at aayusin na raw niya ito sa Eat Bulaga.

Gusto naman daw niyang sa Eat Bulaga muna malalaman kung kailan siya magli-leave at maaaring malapit na ito.

Kapag nasa leave na siya, doon na raw niya aayusin ang mga gamit ng baby, at ang kuwarto nito.

Marami pa nga raw mga regalong pinadala na hindi pa nabubuksan, kaya iyun na ang pagkakaabalahan ni Pauleen kapag o leave na ito.

Lolit luhaan sa Busan

TODO-KANTIYAW si Manay Lolit Solis nang dumalo ito sa presscon ng This Time I’ll Be Sweeter sa Regal Films kahapon dahil sa luhaan nga siya sa Busan nang dumalo ito sa BIFF na umaasang makikita na niya in person sina Song JoongKi at Ju In Sung na abot hanggang langit ang paghanga niya.

Na-depress nga raw siya dahil bigo silang makita itong mga kilalang Korean superstars. Dedma nga raw siya sa mga sikat na artista ng Russia at Japan, dahil ang dalawang Korean actors lang talaga ang gusto niyang makita.

Pero napangiti naman siya nang ikinuwento naming dumalaw pala si Gabby Concepcion kay Sen. Bong Revilla sa Camp Crame.

Nagulat nga raw si Sen. Bong nang dumating si Gabby nu’ng nakaraang linggo.

“Ay love ko na siya uli,” bulalas ni Manay Lolit.

Iyun lang naman ang makakapagpalambot sa puso niya kapag malaman niyang dumalaw ito kay Sen. Bong.

Sa panahon ngayon, mas kailangan kasi talaga ni Sen. Bong ng mga dalaw dahil wala na doon sa detention cell niya si Sen. Jinggoy Estrada.

Kaya kahit mag-isa na si Sen. Bong, okay na rin daw siya dahil halos buong araw namang may mga dalaw na dumarating sa kanya. Malaking bagay daw iyun sa mga kaibigan na nag-e-effort na dumalaw kahit may kahigpitan ngayon sa Custodial Center ng Camp Crame.

Malaking bagay daw ang pagiging prayerful niya, at napaka-positive na pananaw niya sa buhay kaya naging magaan sa kanya na dalhin itong pinagdadaanan niya.

Pero iyun na lang ang hinihinging dasal ni Sen. Bong sa mga taong nagmamahal sa kanya. Sana tulungan daw siyang ipagdasal na pagdating ng Pasko ay makakasama niya ang pamilya niya sa labas ng Camp Crame.

Iyun na lang ang paulit-ulit niyang ipinagdarasal na naniniwala siyang ibibigay ito sa kanya ni Lord.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?