606

Mar 7, 2021 @ 18:27
By

Paula Valbuena muntik ma-fall sa FUBU

Limang taon nang single si Paula Valbuena, ngunit hindi ibig sabihin nito na walang pumupuno sa kanyang kaligayahan.

Sa programang ‘Talik Talk’ ng Abante Radyo Tabloidista, kinuwento ni Paula V. kung paano nagsimulang nagkaroon siya ng ‘fuck buddy’ o FUBU.

Sey ni Paula, minsan lang siya ‘mag-Mariang Palad’ at para sa trabaho lang niya ito ginagawa. Kapag siya’y nag-iinit ay pinupunan ito ng kanyang FUBU.

“Ginagawa ko lang siya siya kapag gagawa ako ng videos, kasi sa five years na ‘yon, four years naman may ka-FUBU ako,” saad ng dilag, na may exclusive content sa IsMyGirl at OnlyFans.

Bakit humantong sa FUBU at hindi na lang totohanang relasyon?

“Hindi pa kasi kami parehas ready nung guy eh, ayoko pang mag-commit doon sa five years na single ako,” kuwento ni Paula.

“Pag FUBU wala kayong commitment, bawal magselos.”

Aniya pa, lahat ng kanyang nakaka-FUBU ay may mga tattoo, ngunit dumating ang panahon na parang na-fall na siya sa isang nakakasama,

“So kapag ka ganoon hindi ka puwedeng marupok na kapag nagyaya sayo, go kaagad,” sambit ni Paula.

“Pero dahil nga marupok ako, nago-go ako pero sinabi ko sa kanya na napa-fall na ko,”

Panoorin ang buong interview sa Youtube channel ng Abante Radyo Tabloidista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?