61

Jan 2, 2020 @ 12:40
By

Paul sinakal ang Mavs

Binaon ni Chris Paul ang go-ahead basket sa final 40.9 seconds na kinapitan ng Oklahoma City Thunder para hiyain si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks 106-101, Martes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Kumana ng tig-20 points sina Danilo Gallinari at Dennis Schroder, nilista ni Paul ang 13 sa kanyang 17 pts. sa fourth quarter at may sahog pang 8 rebounds at 7 assists sa pampitong panalo sa huling walo ng Thunder (18-15) na nasa seventh na sa West.

Sablay ang potential tying 3-point attempt nina Doncic at Maxi Kleber sa final seconds at yumuko ang Dallas. Tumapos si Doncic ng 35 points, 10 rebounds at 7 assists. Wala sa Mavs ang injured na sina starters Kristaps Porzingis at Tim Hardaway Jr.

Sa 23 markers ni Doncic sa first half, dumistansiya ng hanggang 12 ang Mavericks. Bago ang laro ay nakalista pang quiestionnable si Doncic dahil sa left wrist sprain na nakuha nang bumagsak kontra Lakers nitong Linggo.

Dumikit ang OKC sa 51-50 sa half, dalawang beses umagwat ng six points sa third pero lamang ang Dallas 78-77 tapos ng three.

Inagaw ng Thunder ang manibela 102-101 sa 17-footer ni Paul. Inagawan ni Gallinari si Doncic sa kabila na nagresulta sa dalawang free throws ni Schroder. Tapos ang sablay nina Kieber at Doncic sa labas ng arc, sinelyuhan ng charities ni Shai Gilgeous-Alexander ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?