13

Oct 27, 2020 @ 11:44
By

Paul may dokumentaryo sa coronavirus

ISANG dokumentaryo patungkol sa sports and COVID-19 ang ginawa ng Emmy Awards winning director na si Antoine Fuqua.

Bahagi ng pelikulang ito si Chris Paul kung saan pag-uusapan ang naging epekto ng COVID -19 sa mundo ng sports.

Marso nang matigil ang lahat ng sporting events at isa si Chris Paul sa nakaisip ng ideya na gawan ng dokumentaryo ang malaking pangyayaring ito.

Ani CP3, “it is an unbelievable opportunity to be able to be working with Brian and Antoine to tell the collective story of the sports world over the last few months.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?