86

By

Paul lumayas sa ABS-CBN dahil kay Daniel?

Sharing is caring!

Sa tanong kung bakit nagdesisyon ang teen actor na si Paul Salas na bumalik sa GMA-7, mabilis na sinagot nito ay ‘I need to be home’.

Higit na siyam na taon din ang nagdaan simula noong iwan ni Paul ang GMA-7 kunsaan nakilala siya sa reality based artista search for kids na StarStruck Kids.

Ka-batch ni Paul sa naturang contest ay ang mga namamayagpag na ngayon na sina Miguel Tanfelix at Bea Binene. Nabanggit ni Paul sa naging contract signing niya with GMA-7 na hindi raw nawala ang pagmamahal niya sa unang TV network kunsaan naging child actor siya.

“‘Yung bond, ‘yung love andito pa rin talaga. Sila pa rin, walang nagbabago. Nagbago lang sa year kasi siyempre naging modern lang, pero lahat ‘yung love lahat walang nagbago, so I’m happy to be home,” ngiti pa niya.

Inabot daw nang mahigit sa isang taon bago siya nakapagdesisyon na magbalik-Kapuso siya.

“Actually po it took me one year, pinag-isipan ko po talaga, pero ‘yun na po ‘yung nasa puso ko, I need to be home na ganun para maka-try naman ng ibang bahay.

“Pero okay naman po ako sa kabila, graceful exit naman. Nagpaalam naman po ako nang maayos, so okay po,” diin pa niya.

Marami raw gustong makatrabaho si Paul sa pagbalik niya sa GMA-7. Tulad na lang ng mga uncle niya na sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap at Carlos Gonzalez.

Habang pinaplano pa ang mga magiging comeback teleserye ni Paul, magge-guest muna ito sa iba’t ibang shows ng GMA-7 para ma-welcome ulit ito at magkaroon ng big reunion ang StarStruck Kids.

Pero, how true nga ba na si Daniel Padilla ang rason kung bakit nilayasan ni Paul ang ABS-CBN?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?