15

Sep 20, 2021 @ 16:38
By

Paul Lee player of the week

Matapos ang nakakabilib na 32-point explosion kung saan 18 points ang binuhos sa fourth quarter, itinanghal si Paul Lee ng Magnolia Hotshots bilang PBA Player of the Week.

Ang kabayanihan ni Lee ay naganap noong Linggo, kung saan binuhat niya ang Hotshots sa 100-90 panalo kontra sa San Miguel Beermen.

Dahil sa panalo, umakyat ang kartada ng Magnolia sa 8-3.

Dinaig ni Lee sa lingguhang parangal si Mikey Williams ng TNT, gayundin ang kakamping si Ian Sangalang at sina Allein Maliksi, Raymond Almazan at Bong Quinto ng Meralco.

“Gusto ko lang mabalik yung tamang kondisyon ko, simula kasi nung na-injury ako, parang naging roller-coaster yung laro ko. May araw na sobrang bigat ng pakiramdam ko,” pahayag ng ‘Angas ng Tondo.’ (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,