18

Nov 15, 2020 @ 14:57
By

Paul Lee panalo pa rin kahit laglag sa bubble

Nasibak man sa PBA bubble, nakangiti pa rin si Paul Lee dahil sa wakas ay nakapiling na niya ang kanyang pamilya.

Sa Instagram post ng kanyang misis na si Rubie, nag-selfie agad sila kasama ang kanilang anak na si Tokyo.

Nabigo sina Lee at Magnolia Pambansang Manok kontra Phoenix Super LPG, 89-88, para sana makapasok sa semis.

Sa naturang laban, nagbuslo si Lee ng 17 points, dagdag ang five rebounds at six assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?