50

By

Paul Lee: Hindi sapat ang BPC award

Alam umano ni Magnolia guard Paul Lee na may iba pang mas deserving na masungkit ang Best Player of the Conference award na iginawad sa kanya kagabi (Dec. 12) sa 2018 PBA Governors’ Cup.

Marahil ito umano ay dahil nakapasok siya sa finals kaya mas tumibay ang kapit niya sa award.

Sa kabila na masaya siya sa una niyang BPC award, sinabi nitong mas makukumpleto ang kanyang kasiyahan kapag naiuwi ng Magnolia ang kampeonato.

“Of course I’m very happy with this award but I’d be even happier if we can win the championship. Because all of this won’t mean anything if we can’t win the championship,” aniya.

Binasag ng Alaska Aces ang selebrasyon ni Lee kagabi matapos padapain muli ang Hotshots, 90-76, sa Game 4 ng Finals series at naitabla na sa 2-2 ang serye.

Ikalawa na itong sunod na pagkatalo ng Magnolia matapos makuha ang momentum sa Games 1 at 2 nang makauna, 2-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?