74

Dec 21, 2017 @ 14:04

Paul Lee dinurog ang Alaska Aces

Pinangunahan ni Paul Lee ang kulang sa tao na Magnolia Hotshots para makaabante sa Alaska Aces sa parehong season debut ng dalawang koponan, 108-95, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Filoil Flying V Centre.

Nagdeliber ng 30 points, pitong rebounds at anim na assists si Lee na unang inasahang hindi lalaro dahil din sa injury.

Wala sa rotasyon ng laro sina Rafi Reavis dahil sa injury, Marc Pingris na inoperahan sa bato, at Jio Jalalon dahil din sa injury.

May double figures din sina Rome dela Rosa at Ian Sangalang para sa Magnolia.

Nagsilbing superhero si rookie Robbie Herndon sa panig ng Hotshots matapos magpakawala ng krusiyal na jumper kaya’t lumayo ulit ang lamang nila, 105-95, matapos maibaba ng Aces sa single-digit na lang.

Sa panig ng Alaska ay nagtimon si Calvin Abueva ng 20 points, 15 rebounds, limang assists, at isang tapal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?