45

Jan 1, 2018 @ 12:18

Paul, Harden nanguna sa 2 OT victory ng Rockets vs Lakers

Umiskor ng 40 points si James Harden bago magkaroon ng hamstring injury sa fourth quarter at may 15 sa 28 points naman sa overtime si Chris Paul para pigilin ang limang sunod na tatlo ng Houston Rockets sa pamamagitan ng 148-142 double-overtime win laban sa Los Angeles Lakers.

Angat ng 17 points ang Los Angeles subalit nabigong i-covert sa panalo para lumobo ang losing streak nila sa anim na laro.

Gumawa ng dalawang free throws si Paul para itabla ang iskor 142 sa natitirang isang minuto ng second overtime bago sinupalpal ni Tarik Block and tira ni Kyle Kuzma para ibigay muli ang possession sa Rockets.

Naselyuhan ang panalo sa dalawa pang free throws ni Paul na naglaro ng 42 minuto matapos hindi makapaglaro ng tatlong laban dahil sa groin injury.

Nanguna si Julius Randle sa Lakers sa kanyang season high 29 points at 15 rebounds subalit nakuha ang kanyang pang-anim na foul, tatlong minuro sa overtime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?