69

Jan 20, 2019 @ 18:51
By

Paul George iniligtas ang Thunder laban sa Sixers

Nanaig sa dikdikang labanan ang Oklahoma City Thunder kontra sa Philadelphia 76ers sa iskor na 117-115.

Namuno para sa Thunder si forward Paul George na may 31 points, 6 rebounds at limang assists kasama ang clutch 4-point play na nagpanalo sa Thunder.

Fouled out si Russell Westbrook 14.9 seconds ang nalalabi sa orasan matapos sumabit sa three-point attempt ni Joel Embiid ng Sixers. Naitarak ni Embiid ang tatlong free throw kaya tumabla sa 113 ang laban.

Pumalit naman si Dennis Schroder kay Westbrook at nang i-inbound kay Schroder ang bola, nahirapan ito dahil na-trap ng dalawang Sixer player sa corner at nang ipasa kay Steven Adams sa halfcourt ang bola ay naagaw ito ni Jimmy Butler at nag-drive sa basket at saka lumamang ang Sixers, 115-113, 6.9 seconds ang natitira sa oras.

Dito na ipinakita ni Paul George ang kanyang heroic moment, pagtapos ng timeout ay sa kanya ipinasa ang bola saka bumitaw ng quick three at sumabit pa rito si Jimmy Butler na nagbigay kalamangan sa Thunder at naipasok pa ang free-throw sa 4-point play.

May 19 sunod na talo na ang Sixers laban sa Thunder at hindi ito maalis sa isip ni Joel Embiid.

“The Sixers haven’t won against them in like 10, 11 years,” ani big man Embiid. “That’s just ridiculous,” dagdag nito.

Si Embiid ay may 31 points din, dumakma ng 8 rebounds at sumahog ng six assists para sa Sixers habang si JJ Redick naman ay may 22 points, si Ben Simmons ay muntik mag-triple-double, gumawa ng 20 points, 15 rebounds at siyam na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?