160
Paul George aalamin ang problema ng Nike!
Feb 22, 2019 @ 14:54
By

Paul George aalamin ang problema ng Nike!

Ayon kay Oklahoma City Thunder star Paul George, lumapit ito sa Nike para alamin kung ano ang problema sa kanyang PG 2.5 signature shoes matapos ma-injury ni Duke superstar Zion Williamson habang suot ang sapatos na ito.

Si Williamson ay nagtamo ng Grade 1 knee sprain sa kanilang laban vs North Carolina kasisimula pa lamang ng laro. Nasira ang suot nitong PG 2.5.

“First, I want to wish him all the best,” ayon kay George. “I don’t know the severity of the injury right now. We just wish him all the best through the recovery, if it is something severe. And honestly, I’m just here for him through that time of being hurt.

“But outside of that I don’t necessarily know what happened, how it happened,” dagdag pa ni George. “I talked to Nike to see what went wrong, what happened with the shoe and I take pride in that. My shoes have been a successful shoe not only in college but in the NBA. A lot of people have been in them, a lot of people have been wearing them. So I don’t necessarily know, but it’s never happened to my knowledge before. So that’s tough,” pakli pa ni 6x NBA All-Star.

Nilapitan din ni George si Duke head coach Mike Krzyzewski para i-check si Williamson at naisin ang paggaling agad ng freshman player.

Paliwanag pa ni George, hindi pa ito nangyayari sa kanya sa loob ng tatlong signature niya sa Nike at ang inaalala nito ay si Zion dahil ang mga tao ay ginagawan ng problema ang sapatos sa halip na mag-alala para sa na-injury na player.

Ang sapatos ni Paul George ay sikat sa ibang college sa America. Isa ang Kentucky sa nakipag-partner para sa exclusive PG 2.5 team colorway. Ang Duke ay mayroon ding PG 2.5 team colorway, na suot ni Williamson sa pangyayari.

“We are obviously concerned and want to wish Zion a speedy recovery. The quality and performance of our products are of utmost importance. While this is an isolated occurrence, we are working to identify the issue,” sagot naman ng Nike.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?