1,059

Dec 10, 2017 @ 14:13
By

Paul Cabral na na-link kay Wendell Ramos noon, best man sa wedding niya

Totoong may forever friends sa pagitan ng isang bading at artistang lalake. Ito ay nangyari sa aktor na si Wendell Ramos at fashion designer na si Paul Cabral.

Sa ginanap na church wedding ni Wendell sa kanyang longtime live in partner at ina ng kanyang mga anak na si Kai Guevarra nong sabado, si Paul ang tumayong best man ni Wendell.

Bago pa naganap ang kasalan, nag-poste pa si Wendell sa kanyang Instagram wall nang larawan nilang dalawa ni Paul na magkahawak pa ang kamay.

Sa caption ni Wendell sa photo, mararamdaman ang pagmamahal ni Wendell at pasasalamat sa kaibigang si Paul.

@wendellramos2015, “Thank you for always being there for us. God bless you more my #bestman @paulcabral #godisgreatallthetime #wesupporteachother #astignakaibigan.”

Sa isa pang photo hindi lang si Paul ang kasama ni Wendell kundi ang kanyang kanyang mapapangasawa.

@wendellramos2015, “again thank you mr @paulcabral..see you tom! We love you!! #godisgreatallthetime.”
Minsan na ring nalink sa isa’t-isa sina Paul at Wendell maraming taon na ang nakakaraan at buhay pa noon ang manager nang aktor na si Douglas Quijano.

Bagamat, usap-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa hindi nagpatinag sa kanilang friendship sina Paul at Wendell, hanggang sa ikasal na nga ang aktor sa kanyang live in partner.

Ang ganitong klase ng pagkakaibigan ay inspirasyon sa mga nagbibigay ng unconditional friend love.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?