43

Oct 19, 2021 @ 15:05
By

Paul Butler wala sa kalingkingan ni Casimero

Wala umanong binatbat ang mandatory challenger na si Paul Butler kay reigning WBO bantamweight champion Johnriel Casimero, ayon sa boxing analyst na si Ed Tolentino.

Kasado na ang laban ngunit wala pang eksaktong petsa at venue, kung saan itataya ni Casimero ang kanyang titulo laban sa 32-anyos na challenger.

Sa pananaw ni Tolentino, malayo ang kalibre ni Casimero kay Butler.

“John Riel Casimero is the heavy favorite in this fight. Make no mistake, Butler is a good former world champion, but when you watch his style, it is made for Casimero,” pahayag ni Tolentino ayon sa ulat ng GMA News.

“What’s negative about Butler is punching power. He throws a lot, but he only scored two knockouts since 2018, and those were against journeymen. He also stands in front of you, throwing his combinations. That is what Casimero wants,” dugtong pa ng boxing analyst.

Kagagaling lamang ni ‘Quadro Alas’ sa matagumpay na pagdepensa ng titulo laban kay Guillermo Rigondeaux. Matapos nito, inakala ni Casimero na makakalaban na niya ang iba pang title holder sa kanyang dibisyon gaya nina Nonito Donaire at Naoya Inoue ngunit ‘di ito nangyari.

At dahil bumagsak si Casimero kay Butler, hanggang round eight lang umano ang itatagal ng laban pabor sa Pinoy, ayon kay Tolentino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?