486

Paul ayaw maglaro sa Thunder, palipat agad

Hindi pa man nakakalipas ang isang araw matapos ma-trade si Chris Paul sa Oklahoma City Thunder kapalit si Russell Westbrook, na napunta ngayon sa Houston Rockets, ngumangawa na agad ito para malipat sa ibang koponan.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, una pa lang ay hindi na komportable si Paul sa Thunder, sinubukan ng Houston na maghanap ng third team sa trade para sa iba mapunta sa OKC ngunit bigo.

Samantala, gusto sana ng Thunder na maging starting point guard nila si Paul sa parating na season, ngunit kilala ang koponan na hindi pinilipilit paglaruin ang isang star player kung ayaw nito sa kanila, patunay sa Paul George trade.

Ngunit hindi malaki ang market para makahanap ng sunod na destinasyon ng nine-time All-Star, kung sino man ang tataya sa 34-year-old veteran guard ay kailangang saluhin ang natitira pang 3-year, $124.1M sa kanyang kontrata.

Ngunit tila hindi alintana ng Miami Heat ang milyones na payroll para masungkit si CP3 at makatambal ang bago ring kuhang star player na si Jimmy Butler.

The market for Chris Paul is going to be small, but Miami’s at the top of that list,” pakli ni Wojnarowski. “They’d like to try to get that deal done as soon as they can. I was told there are some other teams too that are going to be discussed.”

“Their hope in getting this deal done with Chris Paul was that he doesn’t play a game in a Thunder uniform.”

Ang problema lang ay napaulat sa Miami Herald na hindi handang ilipat ng Heat ang kanilang mga young asset tulad nina Bam Adebayo at Summer League breakthrough player Tyler Herro.

Nakuha na rin ng Thunder ang 2021 at 2023 picks ng Miami mula sa George trade, at kung sakaling ibigay si Paul ay posibleng mapaganda ang record ng Heat at bumababa ang value ng picks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?