167

Apr 16, 2020 @ 18:55
By

Paubos na pondo: Cash aid application para sa empleyado, pinatigil ng DOLE

Sinuspinde na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-aaplay ng tulong pinansiyal ngayong COVID-19 crisis para sa mga manggagawa o Covid Adjustment Measures Program (CAMP).

Ayon sa DOLE, pinatigil nila ang online application dahil sa pagdagsa ng mga ito at malapit nang maubos ang inilaang pondo para rito na mahigit P1 bilyon.

“The Department of Labor and Employment (DOLE) announces with regret the suspension of acceptance of application for financial assistance under the Covid Adjustment Measures Program (CAMP) for formal sector workers. Effective 5 p.m. of April 15, the online application has been closed. The labor department has been swamped with volumes of requests that the available fund for the program amounting to PHP1.6 billion is very close to being depleted,” pahayag ng DOLE.

Dagdag ng DOLE, mahigit 230,000 nang manggagawa ang nabigyan nila ng tulong pinansiyal na aabot sa P1.2 bilyon simula pa Marso 23.

“Since the implementation of CAMP from March 23 to date, DOLE was able to provide the one-time PHP5,000 assistance to 236,412 workers from 10,663 establishments, with total cash disbursements of PHP1.2 billion. We have yet to pay 85,563 more workers in the coming days,” paliwanag ng DOLE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?