248

Nov 2, 2017 @ 18:49

Patutsada ni Trillanes, ayaw patulan ni Roque

Idinaan na lamang sa biro ni Acting Presidential Spokesman Harry Roque ang sagot sa banat sa kanya ni Senador Antonio Trillanes na mistula siyang sinapian ng masamang espiritu matapos tanggapin ang puwestong inialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang kauna-unahang press briefing kahapon sa Malacanang, naging maiksi lamang ang sagot ni Roque sa banat ng senador.

Ayon sa kalihim, kung nataon man na naging maanghang ang kanyang mga naging pahayag sa nakalipas na araw laban sa kanyang mga kritiko at kritiko ng gobyerno, ito ay sa dahilang naitaon ito sa Halloween.

“I think that’s in line with Halloween. So let’s leave it at that,” ang maiksing pahayag ni Roque.

Matatandaang agad na umani ng batikos mula sa oposisyon ang mga naging pahayag ng bagong spokesman na kapag binato siya o ni Pangulong Duterte ay babatuhin niya rin ang mga ito ng hollow blocks na may kasamang adobe.

May kasama ring pagtataray na inihayag ni Roque na “mamatay sa inggit” ang mga tumutuligsa sa kanya. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?