68
rodrigo-duterte-lourdes-sereno
By

Patutsada ni Sereno kay Duterte, ayaw nang patulan ng Palasyo

Sharing is caring!

Walang balak ang Malacañang na patulan ang mga patutsada ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng panawagan ni Sereno na totohanin ng Pangulo ang mga pahayag nito na magbitiw sa puwesto kapag naiipit sa isang isyu, tulad ng ginawang pagpapatalsik sa kanya sa Korte Suprema.

Sinabi ni Preaidential Spokesman Harry Roque, ayaw na niyang magkomento pa patungkol kay Sereno, gaya ng pagtanggi ni Pangulong Duterte na magsalita sa naging kapalaran ng dating punong mahistrado.

Ayon kay Roque, hahayaan na lamang ng Palasyo na manahimik si Sereno bilang pribadong mamamayan.

“Well, ako po ay ayaw ko na po magkomento diyan at tingin ko po ang Presidente ayaw na ring magkomento dahil kahapon tinanong n’yo naman siya sa ambush interview n’yo tungkol kay Chief Justice Sereno ‘di naman po siya nagkomento. Hayaan na po natin siya at hayaan na nating siyang manahimik bilang pribadong indibiduwal,” ani Roque.

Si Sereno ay nagsalita sa forum ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Pasig City kung saan binanatan si Pangulong Duterte na siyang may kamay sa pagpapatalsik sa kanya.

Iginiit naman ni Roque na nagsalita na ang Pangulo at hindi ito nakikialam sa trabaho ng mga mahistrado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?