88

Patrol officer ng SLEX pinatimbuwang sa kanal

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang patrol officer ng South Luzon Expressway (SLEX) na nakabulagta sa kanal sa nasabing expressway sakop ng Calamba City ngayong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si El Marcelo Danoso, 58-anyos na empleyado ng SLEX Manila Toll Expressway Systems.

Ayon sa report ng Calamba police, nakasuot pa ng uniporme ang biktima nang madiskubre sa floodway sa northbound lane.

May tama ito ng bala sa ulo na siya nitong ikinasawi.

Lumalabas sa imbestigasyon na huling nakitang buhay ang biktima nang papasok ito sa kanyang trabaho, Linggo ng gabi, Disyembre 15, 2019.

Ayon pa sa pulisya, may personal na kaalitan umano ang biktima at pinagbantaan daw ang buhay nito, base na rin sa pahayag ng mga kaanak.

Patuloy pa ang imbestigasyon at tinutugis na rin ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?