102

Sep 11, 2021 @ 16:01
By

Patrol car hulog sa bangin, 8 pulis nadale

Bumulusok sa bangin na may lalim na 300 hanggang 500 metro ang isang patrol car sa Digos City, Davao del Sur.

Ayon sa ulat, walong pulis na sakay nito ang sugatan na kinilalang sina Police Lt. Nico Querubin, Police Executive Master Sgt. Eduardo Madanlo, Police Staff Sgt. Dec Acosta, Patrolman Mevin Villarta, Patrolman Jino dela Cerna, Patrolman Rejay Tambis, Patrolman Miguel Ugsimar at isang Police Lt. Col. Armigos.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, binabaybay ng patrol car ang national road sa Barangay Kapatagan bandang alas-12:45 ng tanghali noong Sept. 10 nang magloko ang preno ng sasakyan.

Dahil dito, nahulog sa bangin ang patrol car na nagresulta ng maraming pinsala sa katawan ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?