0
views
duterte51
By

“Patriotic Duterte,” tampok sa SONA

Sharing is caring!

Ipakikita ni Bb. Joyce Bernal ang pagiging makabayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23.

Sinabi ito ni Bernal sa isinagawang inspeksyon sa Kamara at walk through o practice para sa SONA.

Ayon sa batikang director, target niyang ma-establish sa video shots ang pagiging alkalde, ama at Presidente ni Duterte.

Pag-aaralan rin daw nito kung paano maipararamdam sa mga tao ang mensahe ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng magandang “sequencing shots” at paggamit ng tamang timpla ng ilaw.

“Kung papaano, parang let’s get into the psyche kung papaano niya ibibigay, ire-report yung nagawa niya o yung mga gagawin niya sa Pilipinas. Gusto ko lang medyo patriotic,” sabi ni Bernal.

Karangalan para kay Bernal na maging direktor ng ikatlong SONA ni Pangulong Duterte.

Unang pagkakataon daw ito na hindi romatic comedy o television show ang kanyang gagawin kundi SONA na isang bihirang pagkakataon.

“Very honored ako. First time ko na hindi pagdi-direk ng romcom, ng traffic.. pagdi-direk ito ng SONA hinggil sa sasabihin ng ating ama para sa ating mga Pilipino,” ani Bernal. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?